PAGHAHANDA NG STAG
PAGHAHANDA NG STAG
Paano ang pag alaga o pag-kundisyon ng stag kung ito’y ilalaban sa stag derbies? Tama po, kung ito’y ilalaban bilang stag. Kasi may kaibahan ang pagalaga ng stag na hindi pa ilalaban. Kung hindi pa ilalaban mas maige na hayaan lang natin ang mga stag na mag mature at maging bullstag sa natural na pamamaraan.
Hinahayaan lang natin sa cord. Linilipat lang natin sa ibang cord dalawa o isang beses bawat linggo. Paminsanminsan ay sinasamahan natin ng inahin para naman sumigla at magnanais na maging mas makisig. Binibitaw natin isang beses isang linggo. Ang pakain natin ay maintanance feed lang at hinahayaan natin na lumaki ang katawan na natural. Iba naman ang pamamaraan kung ang stag ay ilalaban bilang stag at hindi na papagulangin.
Iba ang paraan sa pagalaga ng stag na ilalaban. At may iba’t-ibang pamamaraan naman sa paggawa nito. Ang tatalakayin natin dito ngayon ay hindi ang mga specific na gagawin sa pagkundisyon ng stag. Hindi natin ililista dito kung ano ang gawin sa day 1 , day 2 hanggang day of the fight. Ang tatalakayin natin ay ang mga ideya sa likuran ng pagkundisyon ng stag para ilaban. Dahil kung alam natin ang mga ideya at katwiran bakit ang isang bagay ay ginagawa, madali nalang natin matutunan kung paano ang paggawa nito.
Bago magumpisa ilagay sa ating isip na sa pagkundiyon ng stag ay nais nating isiksik sa loob ng tatlong buwan ang sana’y dpat mangyayari sa loob ng dalawang taon kung ang manok ay pagugulangin. Anu-ano itong mga dapat natin isiksik?
Una ang tinatawag na personality development. Ang stag ay bata pa. Hindi pa nabuo ang tunay na personalidad nito. Pangalawa ang tapang; pangatlo ang focus sa pakikipaglaban; saka pa ang pagkundisyon. Pagkatapos nito ay ang problema naman sa stress management dahil ang stag ay mas madaling manibago, uminda at ma-stressed. Ang lahat na ito ay isisiksik natin sa loob ng humigit-kumulang tatlong buwan mula sa paghuli nito sa edad na 6- 7 months hanggang sa mailaban ito sa edad na wala pang 10 buwan.
Comments
Post a Comment