Saan ba nanggaling ang LEMON 84

LEMON 84

Ito ang linyang 'di mawawala sa mga bakuran at manukan ng mga boss natin sa Negros at Iloilo. Taong 1967 nang magpadala ng manok si Duke Hulsey kay Paeng Araneta na kulay "Lemon" ang pulok na nagtataglay ng mga dugong Hatch/Butcher/Claret. Bakit "84"? May mga nagsasabing ang orihinal na broodcock daw ay nanalo ng 84 na beses, may mga nagsasabi din na 84 beses daw itong hiniram kay Paeng pero ang totoo no.84 kasi ang leg band nito. Matalinong manok ito, kahit konting dugo lang ang maihalo mo sa ibang palahi ay lilitaw pa rin ang katalinuhan nito sa pakikipag-sabong. Pula, lemon ang pulok, straight-comb, yellow legs, minsan may green legs na lumalabas, 'yan ang LEMON 84 na nag-domina sa WSC nung dekada '70 at hanggang ngayon ay nagdo-domina pa rin!

Comments

Popular Posts